1. Huwag mamaliitin ang sarili. May mga hindi lang talaga tayo ineexpect na lumalabas sa board exam. Magaling ka, mahusay ka. Magtiwala lang.
2. Ginawa mo ang best mo. Nag-isip at nagpagod ka para sa boards kaya natural na sumakit ang ulo mo. Ipahinga mo yan pagkatapos. Be proud of yourself. 3. Huwag magworry. Hindi pa tapos ang checking kaya huwag mong i-assume na bagsak ka na. Hintayin natin ang results. PRC lang magsasabi kung ano ang resulta. Huwag kang excited. 4. Iwasan maapektuhan sa mga items na hindi mo nasagot nang tama base sa mga pag-uusap ninyo. Tandaan na natural lang magkamali. Hayaan na natin yun. Naisubmit na natin ang mga answer sheet. Wag magpastress kung tama sila at ikaw ay hindi. 5. Walang problema kung nagself-review ka lang. Ikaw pa rin ang gagawa ng kapalaran mo. Kaya wag mong sasabihing wala ka ng pag-asa. 6. Sa mga nagreview center, huwag masyadong mapressure. Alam nating mas mataas ang expectations ng mga nag RC pero chill lang. 7. Huwag paranoid. Huwag kung ano-ano ang iniisip. Mahaba-haba ang paghihintay. Ito ang mas mahirap para sa mga takers - ang maghintay ng results. Patuloy na manalangin hanggang sa araw ng paglabas ng resulta. 8. Patuloy na maging positibo. Iwasan ang negative vibes, mga negang tao at mga judgmental na tao. Ignore them. Hindi sila ang nagpagod para rito, ikaw ang nahirapan. 9. Magrelax. Matulog. Manood ng sine. Magtravel. Kumain nang kumain. Magbeach. Mag-inuman. Magwalwal. Hindi mo kaya ginawa mga yan at subsob ka sa review. Take a break, guys. 10. Magpasalamat. Magpasalamat sa mga naging lecturers, sa mga review directors at staff. Magpasalamat sa mga profs at naging teachers na nagturo at umalalay sa inyo. Magpasalamat sa mga magulang, kapatid, guardians at sponsors sa lahat ng suporta. Magpasalamat sa mga kaibigan at kaaway na nagpatibay sa inyo. Lalo’t higit magpasalamat sa Ama sa lahat ng patnubay at biyaya ng buhay at karunungan. 🙏💪🏻♥️ Papasa ka! Manalig at magtiwala! Patuloy na magdasal! Last board exam mo na ‘to! #TeacherDan #fighting #papasa #claimit 1. Tandaan na ang pagsusulit na ito ay kailanma'y hindi sukatan ng iyong buong pagkatao.
2. Tandaan na ang pagsusulit na ito ay isa lamang sa maraming pagsusulit sa buhay. 3. Tandaan na hindi pa katapusan ng mundo na hindi pa ito ang araw ng paghuhukom. 4. Tandaan na talagang masakit tanggapin sa una lalo't kaytagal nailabas ang resulta pero patuloy na magtiwala na may tamang panahon at pagkakataon para sa'yo. 5. Tandaan na may susunod pang pagkakataon, mag-file at mag-exam ulit, huwag masisiraan ng loob. 6. Tandaan na hindi kasumpa-sumpa ang pagbagsak sa exam, hindi ka isusumpa bilang anak, kapatid, kaibigan o kakikilala, mas kasumpa-sumpa ang hindi kailanman sumubok. 7. Tandaan na mahal na mahal ka ng mga taong nakapaligid sa'yo - ng iyong magulang, ng mga kaibigang tapat, mga gurong pumatnubay, mga kakilalang patuloy na sumusuporta at ng Amang Maylikhang walang pagdadamot ng Kanyang biyaya. 8. Tandaan na nasa plano ito ng Ama, na may mga aral S'yang nais ipaunawa sa'yo para sa susunod ay mas lalo mo pang paghuhusayan. 9. Tandaan na hindi ka nakapasa dahil sa hindi ka magaling, magaling ka! May mga bagay lang marahil na nangyayari dahil sa maraming dahilan. Magaling ka! Magaling ka! 10. Tandaan na may bukas pa, ayos lang na iiyak mo yan lahat, isigaw mo yang bigat na nararamdaman mo, isulat mo, ikain mo, inood mo ng sine o kaya iinom mo. Pero pagkatapos noon, harapin mo ang bukas nang may ngiti at ng may pag-asa. Kapit lang sa Kanya, tiwala lang! Yakap sa'yo kapatid! Tahan na! Review na uli pagkatapos! 🙂 P.S. Sa aking mga naging estudyante, kaya yan! Makakapasa ka na sa susunod! ❤️😇🙏 #TeacherDan #LabanPatuloyTayo #letGOD See Translation LET'S build a community of teachers who get encouraged by another teacher's success. - YOUTeacH Philippines Sana, isang araw, wala nang puwang ang INGGITAN at SIRAAN sa alinmang sulok ng paaralan bagkus ang bawat guro ay may PAGKAKAISA at PAGMAMAHAL sa isa't isa.
Saglit na muling pagsipat sa nakaraang taon ng aking buhay, muling paggunita ng mga kapuri-puri at kasiya-siyang mga kaganapan, at pagbalik-tanaw sa mga pagpapala ng 2017.
1. Hinamon ang sarili na bumyahe mag-isa sa ibayong dagat. Narating ang Cambodia, ang una sa maraming bansang hangad kong lakbayin. Nag-Angkor Wat, nagbike sa city, nagnight market at nagselfie. 2. Napadpad sa Boracay sa pangalawang pagkakataon. Hindi lang gumala bagkus ay nagpresent ng papel pananaliksik sa isang international research conference. 3. Nag-enroll ng Thesis Writing sa PNU Manila. Nagsulat at patuloy na sumusulat. Sana sa 2018, matapos na. 4. Naglecture ng action-based action research sa Josephine F. Khonghun Special Education Center. Salamat kay Ma’am Cleo sa tiwala. 5. Narating ang Bani National High School para maglecture ng campus journalism. Salamat kay Doc Eve para sa paanyaya. 6. Naimbitahan ng Castillejos National High School at St. James School of Subic para sa campus journalism. Masayang nakapanayam ang mga CJs. 7. Nabigyan ng designation bilang University Director for Communications and Public Relations. 8. NagCebu ng dalawang beses. Kasama ang mga kapatids sa ibang Nanay. Sina Mark at Russel ng January 2017. Sina Carl, Beng, Jess, Drin at Yaneh ng March 2017. 9. Dinala ang pamilya sa Cagayan de Oro at Iligan sa Mindanao. First time nila Daddy, Mama at Daniel magplaneride. 10. Naikot ang buong lalawigan ng Siquijor nang libre. Nainlove sa sobrang ganda nito. Salamat kay Kuya Mark sa pagkakataon. 11. Bumisita ng Tacloban ng dalawang beses ngayong taon. Salamat sa mga nabuong pagkakaibigan sa mga Milestone reviewees lalo ang Team Bio. 12. Naimbitahan sa University of Nueva Caceres para maglecture. Salamat Dean Lily sa tiwala. 13. Natanggap at dumalo sa 1st National Young Teachers Boot Camp sa UPLB. Salamat YOUTeacH Philippines! 14. Natanggap na maging delegado ng Seminar Workshop on Global Citizenship Education for Teacher Education. Salamat sa PNU at kay Doc Fin sa pagkakataon. 15. Dumalo sa ikaapat na pagkakataon sa Annual Scientific Meeting ng National Academy of Science and Technology (NAST). 16. Nagkita ng TOSP Batchmate ko sa Dumaguete na si Josh. Bumisita sa Silliman University College of Marine Biology. 17. Napadpad sa GenSan at nag-explore sa Sarangani. 18. Nagpakapuyat sa thesis checking ng mga BSED IV Soc Stud ng Castillejos Campus. Ilang araw ding tumira sa office. 19. Nirush ang Annual Report 2016 ng RMTU, ikaapat na taon na ring ako ang naghahanda nito. 20. NagBrigada Eskwela sa Mindanao, isang araw bago ideklara ang Martial Law doon. Masayang magpinta ng mga upuan at pader kasama ang mga NYLC co-delegates ko. 21. Nakompleto kaming magkakapatid this year. Nakauwi sila ate mula sa pagwawanderlust sa ibang bansa. 22. Nagturo sa mga guro ng bayan sa Balanga City, Bataan, Olongapo City, at City of Manila. Salamat SLRC! 23. Nakakilala ng mga bagong kaibigang guro sa City of Malolos at City of Caloocan. Salamat sa Genesis sa pagkakataon. 24. Nagcelebrate ng aking 26th birthday na nagbyahe mula Dumaguete patungong Siquijor at buong araw na nagturo sa mga Education graduates ng Siquijor State College (SSC). 25. Nagkita-kita ang #KaBio2015 sa aming summer getaway sa Liwliwa Camp, San Felipe at sa annual Year-end party sa Casa Virginia. Salamat guys! 26. Nagcelebrate ng year-end kasama ang #KaBio2018. The best year-end party ng batch, so far! 27. Nagfacilitate ng Faculty Year-end Party. Just love! 28. Naglakbay sa Sta. Fe. Nagtrain ng Adobe In-design layouting sa mga school paper advisers. 29. Nag-El Nido, Palawan kasama ng aking lifetime bestfriends, Kuya JB at Kuya Jinno. Miss you guys! 30. Nakumpleto ang Misa de Gallo. Sana ay matupad ang wish ko sa 2018. 31. Naimbitahan ng Subic District para magjudge ng investigatory project. 32. Bumisita sa mga former teachers sa Castillejos National High School kasama ni Kuya JB at Kuya Jinno. 33. Nagpresswork kasama ng mga SPAs ng isang elementary school sa office. 34. Tumulong maglayout ng Technoscribe. Ilang presswork days din. Sana maprint. 35. Nakigulo sap ag-oorganize ng 5th Science Festival. Yung program invitation talaga ang nagdala. 36. Naipush ang Research Poster Exhibit noong Education Week. Salamat sa Special Topics class ko sa efforts sa kanilang mga researches. 37. Nakiparty sa #KaBio2020 sa kanilang Year-end party sa Bukid ni Mang Jack. 38. Nagpintura ng aking munting opisina kasama ng aking mga kapatid. Sana sa 2018 doon pa rin ako. 39. Nagget-together ang pioneer batch ng Bio sa Iba noong June 2017. Sana next time out of town naman. 40. Nagpanel ng research defense, nagcheck ng napakaraming manuscripts at nagpagraduate. 41. Nagkita-kita ng mga TOSP friends sa Zambales. Umattend ng Kasaysayan Lecture ni Kuya Ian sa Casa San Miguel. 42. Nag-organize ng research seminar cum orientation para sa mga graduating students. 43. Nagfacilitate ng research agenda setting ng aming college. More research activities this 2018. 44. Nagpresent sa Annual Research In-House Review ng University at nakuha ang 2nd Best Paper. 45. Naimbitang muli ng St. Paul University Philippines at APO Review Center para maglecture. Nakakilala ng mga bagong kaibigan. 46. Nag-extension sa San Rafael High School kasama ang CEAS at CHARM colleagues. 47. Nag-Enchanted Kingdom kasama ni Lory Fe at Sherlyn. Masayang-masaya! 48. Nag-Zipline sa Valencia, Negros Oriental kahit muntik-muntikan nang umatras. 49. Gumala, kumain at nakailang overnight kasama ng aking mga gala buddies. 50. Nasaktan. Nagmove-on. Umibig muli. Dalangin ko na ang bagong taon ay magdala muli ng mga pagpapala, pagkakataon, pagsubok na kakayanin at mga paglalakbay. Makulay ang taong 2017 para sa akin, ramdam ko ang mas marami pang hamon at tagumpay sa darating na 2018! Salamat po sa inyong lahat! Bahagi po kayo ng aking makabuluhang taon! Manigo, maalwan, makabuluhan at mapagpalayang Bagong Taon mula sa aming pamilya patungo sa inyo! Kasihan tayo ng Ama! #TeacherDan #BalikTanaw2017 #happykiddo #thankyou2017 #hello2018 |
AuthorDanilo V. Rogayan Jr. is a University Instructor of the Department of Natural Sciences of the College of Education, Arts and Sciences of the Ramon Magsaysay Technological University, San Marcelino, Zambales. Archives
November 2022
Categories |