LET'S build a community of teachers who get encouraged by another teacher's success. - YOUTeacH Philippines
Sana, isang araw, wala nang puwang ang INGGITAN at SIRAAN sa alinmang sulok ng paaralan bagkus ang bawat guro ay may PAGKAKAISA at PAGMAMAHAL sa isa't isa. Sana, isang araw, makakita ako ng isang komunidad na kung saan ang bawat isa ay may iisang adhikain: ang alamin ang mga kahinaan at kalakasan ng bata at kung paano ito tutugunan at huhubugin. At hindi ang alamin ang buhay ng kapwa guro upang gawing paksa ng hindi magandang usapan. Bilang dalubguro ng mga susunod na guro, panata ko na patuloy na huhubog ng mga guro ng bayan na may puso para sa mga bata at kabataan; at may mabuting puso para sa kanilang mga kapwa guro. Sa pagbubukas ng klase sa pamantasan bukas, dalangin ko na sana ay mas maging mabuti akong guro para sa aking mga mag-aaral maging sa aking mga kasamahan. Magkaroon sana ako ng ibayong pagtitiyaga, pag-unawa at pagtitimpi sa mga maaari kong makita, marinig, maulinigan at mabatid. Guro ako, naniniGURO na matututo ang aking mga mag-aaral at hindi naniniGURO na malalamangan ko ang aking mga kapwa guro! #refleskyonniDan #byaheniDansamundongpagtuturo |
AuthorDanilo V. Rogayan Jr. is a University Instructor of the Department of Natural Sciences of the College of Education, Arts and Sciences of the Ramon Magsaysay Technological University, San Marcelino, Zambales. Archives
November 2022
Categories |