1. Huwag mamaliitin ang sarili. May mga hindi lang talaga tayo ineexpect na lumalabas sa board exam. Magaling ka, mahusay ka. Magtiwala lang.
2. Ginawa mo ang best mo. Nag-isip at nagpagod ka para sa boards kaya natural na sumakit ang ulo mo. Ipahinga mo yan pagkatapos. Be proud of yourself. 3. Huwag magworry. Hindi pa tapos ang checking kaya huwag mong i-assume na bagsak ka na. Hintayin natin ang results. PRC lang magsasabi kung ano ang resulta. Huwag kang excited. 4. Iwasan maapektuhan sa mga items na hindi mo nasagot nang tama base sa mga pag-uusap ninyo. Tandaan na natural lang magkamali. Hayaan na natin yun. Naisubmit na natin ang mga answer sheet. Wag magpastress kung tama sila at ikaw ay hindi. 5. Walang problema kung nagself-review ka lang. Ikaw pa rin ang gagawa ng kapalaran mo. Kaya wag mong sasabihing wala ka ng pag-asa. 6. Sa mga nagreview center, huwag masyadong mapressure. Alam nating mas mataas ang expectations ng mga nag RC pero chill lang. 7. Huwag paranoid. Huwag kung ano-ano ang iniisip. Mahaba-haba ang paghihintay. Ito ang mas mahirap para sa mga takers - ang maghintay ng results. Patuloy na manalangin hanggang sa araw ng paglabas ng resulta. 8. Patuloy na maging positibo. Iwasan ang negative vibes, mga negang tao at mga judgmental na tao. Ignore them. Hindi sila ang nagpagod para rito, ikaw ang nahirapan. 9. Magrelax. Matulog. Manood ng sine. Magtravel. Kumain nang kumain. Magbeach. Mag-inuman. Magwalwal. Hindi mo kaya ginawa mga yan at subsob ka sa review. Take a break, guys. 10. Magpasalamat. Magpasalamat sa mga naging lecturers, sa mga review directors at staff. Magpasalamat sa mga profs at naging teachers na nagturo at umalalay sa inyo. Magpasalamat sa mga magulang, kapatid, guardians at sponsors sa lahat ng suporta. Magpasalamat sa mga kaibigan at kaaway na nagpatibay sa inyo. Lalo’t higit magpasalamat sa Ama sa lahat ng patnubay at biyaya ng buhay at karunungan. 🙏💪🏻♥️ Papasa ka! Manalig at magtiwala! Patuloy na magdasal! Last board exam mo na ‘to! #TeacherDan #fighting #papasa #claimit |
AuthorDanilo V. Rogayan Jr. is a University Instructor of the Department of Natural Sciences of the College of Education, Arts and Sciences of the Ramon Magsaysay Technological University, San Marcelino, Zambales. Archives
November 2022
Categories |